Ipinasilip ni Kylie Padilla ang lumalaki na niyang pamilya, at ang bonding moments nila kasama ang second baby na si Axl Romeo, na tila carbon copy daw ng mister niyang si Aljur Abrenica.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabi ni Kylie na tila carbon copy ni Aljur si Axl Romeo, na isinilang noong Disyembre 9.

 

 

Nakuha ang kaniyang pangalan mula sa screen name ng front man ng rock band na Guns N' Roses, at si Romeo na katipan ni Juliet mula sa well-loved na obra ni William Shakespeare.

 

ADVERTISEMENT

 

Nagbahagi rin si Kylie ng kaniyang cuddle time kay Axl Romeo, na umani ng libo-libong puso mula sa netizens.

 

 

Tuwang tuwa rin dito ang kuya niyang si Alas, pero nagseselos daw ito kapag nakikita niyang nagbe-breastfeed si Kylie kay Axl.

"Du'n lang naman pero apart from that sobrang sweet niya sa umaga, nagu-good morning siya. Ki-kiss niya, ha-hug niya, sobrang lambing niya," ani Kylie.

Ikinuwento ni Kylie na maayos ang kaniyang ikalawang pagbubuntis at panganganak, hindi katulad noong sanggol pa si Alas kung kailan nakaranas si Kylie ng post-partum depression.

"Iba-iba naman kada pregnancy but this time around wala, wala pa so far," anang Kapuso actress.

Salit-salitan sina Kylie at Aljur sa pag-aalaga ng kanilang dalawang anak, at mayroon silang konting time management at halos well-adjusted na sila.

"Pumapasok na 'yung sinasabi nilang kapag gusto niyong mag-date o mag-usap ng asawa mo i-schedule na. 'Yun, totoo pala 'yun!" sabi ni Kylie.--FRJ, GMA News