Marami ang nagulat nang ianunsyo nina Mikael Daez at 2013 Miss World Megan Young nitong Sabado na kasal na sila. Pero hindi lang pala isa, kung hindi dalawang beses silang ikinasal ngayong Enero.

Sa Chika Minute report ni Iya Villania sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing Enero 10 nang unang ikasal ang dalawa nang malaman na available ang pari na gusto nilang magkasal sa kanila.

Naulit ang kasal nitong Enero 25, na ginanap naman sa Subic, Zambales kung saan lumaki si Megan.

Paliwanag ni Megan kung bakit tila naging sikreto ang kanilang kasal, "We've always been private about our relationship and one of the reasons why was because we're already in the public eyes. So there are things that we like to keep to ourselves."

Dagdag naman ni Mikael, "Para sa kaniya naman hindi naman sa IG or sa Twitter siya sumasaya, so it's in my action that I do for her that I didn't feel the need to put out in public."

Limang tao na naging engaged ang status ng dalawa at isa raw sa nakatulong sa kanila na mag-decide na lumagay na sa tahimik ay ang matagumpay na serye na pinagtambalan nila noon na "The Stepdaughters."

"I think throughout the five years at certain times, mag-uusap kami and then we'll ask,  'O ano ready ka na ba? Hindi pa, hindi pa namin feel eh.' Ganun yung laging usapan," sabi ni Mikael.

"Pagkatapos ng 'Stepdaughters' we felt like milestone siya para sa amin. It was our first teleserye together, it was very successful, it ran for one year, pinakamahabang teleserye naming dalawa," dagdag ng aktor.

Aminado ang dalawa na hindi nila napigilan na maging emosyonal sa kanilang kasal dahil sa sobrang intimate nito.  Malaking tulong din daw ang limang taon nilang pagiging magkarelasyon para mas makilala nang husto ang isa't isa.

Alamin sa video kung sino ang mas makulit sa dalawa, mas pasensyoso at iba pa. Panoorin. --FRJ, GMA News