Sa "Kapuso Love Stories," inalala ng mag-asawang sina Iya Villania at Drew Arellano kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan at sino nga ba ang nanuyo kanino.

Kuwento ni Iya, magsisilbi lang dapat si Drew na "bridge" para sa isang kaibigan na may gusto sa kaniya.

Pero si Iya, type na si Drew. Hanggang sa ang nagsisilbi lang na tulay, unti-unti na ring nahulog kay Iya.

ADVERTISEMENT

"He was supposed to help a friend out. Kasi nakita nila, nakita ng friend niya na close kami ni Drew. And so what was supposed to be the bridge... Ewan ko kung na-realize niya na type niya ako, but alam ko na type ko siya," saad ng Chika Minute anchor.

Paglalahad ni Iya, "Actually hindi ko siya niligawan pero parang mas ako 'yung naghabol sa kaniya. Wow!"

Inilahad naman ni Drew ang sikreto sa kanilang long-lasting relationship. "Communication is key. Being truthful, being clear."

Panoorin ang kanilang matamis na Valentine's Day message sa isa't isa, kung saan tila naging emosyonal si Iya.

— Jamil Santos/MDM, GMA News