Sumalang sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga nitong Sabado, at humanga sa mga batang maraming beses nang sumali at nanalo sa mga Quiz Bee competition.
Ang batang si Haley, pitong beses nang sumali at nanalo sa Quiz Bee sa English, Math, Science at Spelling. Si Kylie naman, 35 beses nang sumali sa Quiz Bee kabilang ang Math, English, Spelling, History, Science at Literature.
'Yun pala, iisa lang ang kanilang mommy na si Mommy Celeste, at may kapatid din silang lalaki na sumali na rin sa Quiz Bees.
Ang batang si Audrey naman, 42 beses nang sumali sa Spelling at Math Quiz Bees.
At ang plot twist ng mga batang panauhin sa Round 2, may mommies din pala sila na Quiz Bee winners.
Ma-perfect naman kaya ng "DongYan" ang tatlong rounds ng Bawal Judgmental? Panoorin.
—Jamil Santos/LBG, GMA News
