Sama-samang nagbigay ng kanilang mensahe ng pasasalamat ang Kapuso stars para sa mga frontliner na patuloy na lumalaban sa gitna ng banta ng COVID-19.
Pinamagatang "PaGMAmahal para sa Frontliners: Kayo ang idol ko!" ipinarating nina Marian Rivera, Alden Richards, Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, Rhian Ramos, Gabbi Concepcion at marami pang iba ang kanilang suporta sa mga frontliner.
Pinasalamatan ng Kapuso stars ang mga doktor, nurse at medical staff, hanggang sa mga pulis, sundalo, security personnel, maintenance crew, janitor, at garbage collector.
Sumaldo rin sila sa mga empleyado ng bangko at supermarket, mga driver at delivery men, chef, cook at restaurant staff, mga magsasaka at factory workers.
—Jamil Santos/LBG, GMA News
