Isang jewelry store ang hinoldap ng apat na kawatan sa loob ng isang mall sa Davao City noong Sabado.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing hawak na ng pulisya ang mga fingerprint na nakuha sa crime scene at narekober ang mga ginamit na motor sa pagtakas.

Patuloy din ang pagsuri ng mga CCTV footage sa lugar.

Sa hiwalay na ulat ng GMA Regional TV, sinabing tumakas ang mga kawatan gamit ang scooter-type motorcycles.

Ilan umano sa mga motorsiklo ang narekober ng mga awtoridad kinalaunan at isinailalim din sa pagsusuri.

“We assure the public that the Davao City Police Office is relentlessly pursuing this case. We will exhaust all efforts and resources to ensure that those responsible are held accountable. Criminal elements have no place in our city,” ayon kay DCPO Director, Police Colonel Peter Madria.—Jamil Santos/FRJGMA News