Inihayag ng Kapuso couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina na gusto sana nilang makasama ang kanilang mga pamilya para sa isang celebration kapag ni-reveal na nila ang gender ng kanilang baby. Kaya hiling nila, matapos na sana ang enhanced community quarantine.

"Sabi ko talaga, 'By (Baby) sana matapos na itong lahat kasi iba pa rin 'yung feeling ng gender reveal kasama natin 'yung family natin tsaka mga important nating friends," kuwento ni Rodjun sa Kapuso Showbiz News.

Kung hindi man matuloy ang pangarap nilang celebration with family, magkikita-kita na lang daw sila sa online.

ADVERTISEMENT

READ: Rodjun Cruz and Dianne Medina are expecting their first baby

"Pero sabi ko nga kay Dianne, ipag-pray natin. Pero kung talagang humaba-haba pa ito, baka mag-gender reveal na lang kami via Zoom," ayon pa sa aktor.

Si Dianne lang daw ang nakakaalam ng gender ng kanilang baby, dahil gusto ring masorpresa ni Rodjun.

"Si Rodjun mas nagpa-plan eh, tsaka hindi niya alam 'yung gender, ako lang ang nakakaalam," kuwento ni Dianne.

"Tsaka kasi ang gusto niya, malaman niya agad kung ano ang gender. Ako kasi, alam mo 'yun, para may surprise. Siguro magpapa-games kaming family. So 'yun ang plan naming talaga kung matapos agad ito, gusto namin may little celebration na kasama 'yung family. Mag-guess din sila kung boy o girl, para ma-enjoy din namin 'yung moment na 'yun," ani Rodjun.

"Simple lang. Pero kung talagang humaba-haba ito, magzu-Zoom na lang din sila via online," dagdag ng aktor.--FRJ, GMA News