Hindi man madali ang sitwasyon, ikinuwento ng "Prima Donnas" stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo kung paano nila iniiwasan na magkaroon ng anxiety sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Si Jillian, mas natuto pa sa tamang paraan ng paghuhugas ng kamay, pagkain ng healthy at pag-exerise. Ipinalangin naman ni Althea ang sitwasyon na sana ay matapos na, habang napagtanto naman ni Sofia na "life is short." Panoorin ang panayam sa kanila sa video na ito.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News