Sinariwa ni Janine Gutierrez ang naging bonding moments nila ng kaniyang ina na si Lotlot de Leon noong pa siya. Ibinahagi rin niya ang mga payo ng ina tulad ng pagiging maingat sa pagbibitiw ng salita.

"My mom is pretty young. She had me when she was like 17. So our age gap is so small. And I always remember growing up with her like, palagi kaming naglalaro, I got my love of the beach from her. She's such a good cook so growing up palagi kong dinudutdut 'yung mga niluluto niya bago niya i-bake," sabi ni Janine sa ulat ng Kapuso Showbiz News.

"So she's always been amazing and up to now, she's really a source of guidance, parang living alone, cooking, things like that. So I'm so lucky that she's always one call one away," dagdag pa niya.

Inalala rin ni Janine ang mga payo na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina.

"When I was growing up she would always say 'Think before you speak.' Kasi kapag nasabi mo na it's hard to take something back," saad ng aktres.

"Noong nagtatrabaho naman ako 'yung biggest advice niya was to love your job. If you love your job, you're respectful of the people you work with, you're respectful of the opportunities you have tapos doon babalik 'yung mga gusto mo ring ma-achieve," anang Kapuso actress-model.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News