Inihayag ni Anna Vicente na gusto niyang ma-challenge pagdating sa acting. Kaya kung  bibigyan ng pagkakataon, nais niyang subukan ang role na malayo sa kaniyang pagkatao.

"My dream role, siguro is to be a lesbian. Parang 'yon na 'yung pinakamalayo, kasi gusto kong ma-challenge. So feeling ko malayo sa sarili ko, since very girly ako and everything so I wanna try," kuwento ni Anna sa #RealTalk ng GMA News and Public Affairs.

Bata pa lamang daw, pangarap na ni Anna na mag-artista.

"Yes. Ever since I was young. Siguro four or five years old ako and ‘yon talaga ‘yong dream ko — to become an artist. Ako talaga ‘yong nagpipilit sa mom ko na samahan ako sa mga auditions and go-sees," kuwento niya.

Napanood na si Anna sa Kapuso shows na "Bubble Gang," "Maynila," "Magkaagaw" (2019), at "Bilangin Ang Bituin Sa Langit" (2020).

"It’s more of a passion kasi. Feel ko to be a celebrity is not just being a celebrity eh. It’s to portray different roles na doon mo makikilala lalo ‘yong sarili mo," saad ni Anna, na may degree in international hospitality management.

Nang kumustahin siya bilang isang Kapuso, saad niya, "I’m so overwhelmed kasi with GMA since bago lang ako, winelcome nila ako talaga like a family. Very homey ang vibe ng GMA so I’m a proud Kapuso."

Nagbigay din ng tips si Anna para sa summer-ready body.

"I watch my diet. Kasi ako, I believe talaga parang 70 percent diet and 30 percent workout. If workout ka nang workout pero you don’t watch your diet naman, ‘di naman siya mag-work talaga," ayon kay Anna.

--FRJ, GMA News