Ikinuwento ni Claire Castro na bata pa lamang siya, gusto na niyang maging isang celebrity tulad ng mga magulang niyang 90's stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

"Yes, definitely! Ever since I was a kid," tugon ni Claire nang tanungin sa #RealTalk ng GMA Public Affairs kung matagal na niyang gustong maging artista.

Pero may pag-aalinlangan daw noon ang ama niyang si Diego na pasukin niya ang showbiz.  Mas nais daw ng kaniyang mga magulang na mamuhay siya nang "normal."

Ngunit nang lumaki na siya at maging mature, pumayag na rin daw ang kaniyang ama na pasukin na ang mundo ng pag-aartista.

"My dad was really happy that I was considering entering showbiz. When I was younger, they did not want me to become a celebrity. They wanted me to go the normal route, growing up. But later on when I was older, my dad was okay with it. He wants it for me as well," saad ni Claire, na napapanood sa Kapuso series na "Anak ni Waray vs. Anak ni Biday."

Maging ang kaniyang summer photo shoot, suportado raw ng ama.

"I asked permission from him kasi first time ko gagawin ‘tong ganitong shoot and he was like, ‘Yeah go for it.’ He’s comfortable naman with me doing it," sabi ni Claire.

Kung wala sa showbiz, ayon kay Claire, posibleng pumasok siya sa pagnenegosyo tulad ng restaurant o makeup business.

--FRJ, GMA News