Inilahad ng mga bagong Kapuso star na sina Angela Alarcon at Anna Vicente, kung sino ang kanilang crush na Kapuso actor.

Sa #RealTalk ng GMA News and Public Affairs, nahihiyang inamin ni Angela, ang paghanga niya kay Gil Cuerva.

"My Kapuso crush is Gil Cuerva kasi sobrang bait niya, gentleman. Saka may vibe siya na parang ang soft niya but in a good way," saad ni Angela.

LOOK: Angela Alarcon, gustong magamit ang kaniyang athleticism para subukan ang action scenes

Si Alden Richards naman daw ang hinahangaan nang husto ni Anna.

"I've always been a fan and sobrang crush ko talaga si Alden. And sobrang ina-admire ko 'yung acting niya," ayon sa Kapuso newbie.

IN PHOTOS: Proud Kapuso Anna Vicente, gustong masubok ang lesbian role

Samantala, inihayag naman ni Liezel Lopez na pangarap niyang makatrabaho si Ken Chan.

"Sobrang galing niyang umarte. Sobrang na-a-amaze ako sa kaniya," ayon kay Liezel.--Jamil Santos/FRJ, GMA News