Isinugod sa ospital nitong Linggo ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr. Ngayong Lunes, sinabi ng kaniyang apo na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na stable na ang kalagayan ng kanilang lolo.

"Maraming salamat po sa inyong mga dasal para sa aking lolo, Sen. Ramon Revilla Sr. Daddy is now in stable condition and we are hoping for his speedy recovery," saad ni Jolo sa kaniyang Facebook post.

Nag-post din si Jolo ng larawan kasama ang kaniyang ama na si Senador Ramon "Bong" Revillar Jr., at ang kanilang 93-anyos na lolo, na nakangiti na.

Una rito, humiling ng panalangin sa publiko si Sen. Bong para sa paggaling ng kaniyang ama.

Nahihirapan umano si Revilla Sr. na humingi nitong Linggo "and somewhat unresponsive" kaya isinugod sa St. Dominic Medical Center bago inilipat sa St. Luke's Medical Center-Global City. — FRJ, GMA News