Dahil sa lockdown, hindi makapag-taping ang mga artista kaya mga lumang palabas ang napapanood sa telebisyon. Pero ayon kay Rhian Ramos, may mabuting dulot ito.

"Sa ngayon, I think it's a good idea na binabalik 'yung mga dating shows," saad ni Rhian sa Kapuso Showbiz News.

"Kasi marami doon sa mga shows na 'yun, ginawa sa panahon na hindi pa uso 'yung i-stream online or anything like that. It's good that these shows have a second life," patuloy niya.

Kabilang sa mga lumang series na muling napapanood sa GMA Telebabad ang show ni Rhian at Dingdong Dantes na Pinoy adaptation ng "Stairway To Heaven."

"Pero for now, magandang desisyon 'yung ibalik 'yung mga naunang shows," sabi ni Rhian.

Samantala, kapag pinayagan na muling mag-taping ang mga artista, sinabi ni Rhian na magpapatupad din siya ng pag-iingat para hindi makuha ang COVID-19.

Kabilang sa pag-iingat na ito ang pag-iwas sa kissing scene. Pero kung kakailanganin sa eksena, hihingan daw niya ng test result o medical certificate ang kaniyang makakaeksena.

"I'm not gonna have a kissing scene with anyone that doesn't give me test results," sabi ni Rhian. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News