Magkakaroon ng libreng streaming ang "Ang Huling Cha-Cha ni Anita," na pinagbibidahan nina Angel Aquino at Therese Malvar sa Hunyo 15, bilang pagdiriwang sa Pride Month 2020.

Ang award-winning film ay kuwento ng isang 12-anyos na babae na nagkaroon ng malalim na ugnayan sa isang babae na malayo ang agwant ng edad sa kaniya.

Maaari namang makisali ang netizens sa iba't ibang online events pagkatapos ng screening, kasama ang Q&A session kasama "Ang Huling Cha-Cha ni Anita" director na si Sigrid Andrea Bernardo.

"Ang Huling Cha-Cha Ni Anita" ang nagbigay kay Therese ng Best Actress award, kung saan nakalaban niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.--FRJ, GMA News