Nagkaroon ng heart-to-heart talk ang mang-amang Monching Gutierrez  at Janine Gutierrez sa vlog ng aktres. Si Monching, ikinuwento kung sino ang una niyang sinabihan na buntis si Lotlot de Leon, na si Janine ang nasa sinapupunan.

Sa kaniyang vlog, tinanong ni Janine ang ama kung ano ang naging reaksyon niya nang malamang buntis si Lotlot.

"Woah!" pabirong sagot ni Monching. "Siguro I was there when we went to the doctor and the doctor said, you know."

Ang ama nitong si Eddie Gutierrez daw ang unang sinabihan ni Monching tungkol sa pagbubuntis ni Lotlot. Pero bago pa man daw niya sabihan ang inang si Pilita Corrales, tila nalaman na rin nito ang balita.

ADVERTISEMENT

"Mamita, she's psychic. You're gonna go pa lang to talk to her, she told me na. 'I know na, she's pregnant? Yeah, I knew it,'" pag-alala ni Monching na sinabi sa kaniya ng ina.

Si Nora Aunor, na nag-ampon kay Lotlot, daw ang naging pinakamahirap na napagsabihan ni Monching.

"She's not mad, she's really nice and everything. But you know, she said 'Kayo, if that's what you want to do, I'm not gonna force you to get married,'" pagbabalik-tanaw ni Monching.

Tinanong din ni Janine kung may balak pa bang mag-asawang muli si Monching.

"I'm masaya na. I'm sanay na to be binata," saad ng aktor.

"Are you okay lang na I'm your dad like this? Your papa is crazy, minsan he's masungit, minsan he throws away mga plate?" tanong naman ni Monching kay Janine.

Hindi naman napigilan ni Janine na maging emosyonal sa usapan nila ni Monching.

"I love you! Happy Father's Day. You're so pogi and you're such a good dad!" pagbati ni Janine sa ama.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News