Graduate na si Therese Malvar ng high school with honors pa bilang salutatorian.

Ang ina ni Therese na si Cherry Malvar, isang independent film actress, proud na nag-post sa Facebook ng video ng pagtatapos ng kaniyang anak.

"Teri Malvar. Salutatorian. Congrats baby girl. You made us proud!" sabi ni Cherry.

Ayon sa GMA Artist Center, tatlong medalya ang nakuha ni Therese: Isang silver medal sa pagiging Salutatorian; isa para sa kaniyang matataas na grado; at isa pa sa kaniyang pagiging Best in Entrepreneurship.

Sabi ni Cherry, hindi na nagkaroon ng graduation pictures at graduation ceremonies ang paaralan nina Therese.

Nauna nang inihayag ni Therese na nalungkot siya dahil hindi na nila naranasan ng kaniyang mga kaklase ang physical graduation.

Nag-e-enroll na si Therese ng film sa Mint College, kung saan magsisimula na raw ang online classes sa Agosto.--Jamil Santos/FRJ, GMA News