Inilunsad na ang mas murang Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na “GMA Affordabox” para gawing mas malinaw at mas makulay ang mapapanood sa telebisyon. Tunghayan sa video kung papaano ito gagamitin. 

Ang GMA Affordabox ay madaling maikakabit sa analog TV para masagap ang digital television broadcast at malinaw nang mapapanood ang mga programa ng GMA, GMA News TV, at ang inaabangang Heart of Asia channel.

READ: Digital TV receiver na 'GMA Affordabox,' inilunsad na

Mapapanood din ang iba pang free-to-air digital TV channels sa lugar.

Itinaon ang paglulunsad ng "GMA Affordabox” sa ika-70 taong anibersayo ng Kapuso Network. --FRJ, GMA News