Masayang ibinahagi ng Kapuso actor na si Wendell Ramos na certified bumbero na siya ng ABP (Ang Bumbero ng Pilipinas).

Sa kaniyang Facebook account, nag-post si Wendell ng mga larawan kaugnay sa ginawang niyang training.
"It was really an Honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas," saad niya sa caption habang nakasuot ng uniporme ng bumbero.

Aminado naman ang aktor na marami pa raw siyang dapat na matutunan.

"Sa inyo pong lahat na mga bumbero ng Pilipinas.. #saludo po ako sa inyong lahat. Mabuhay po ang ABP nating lahat!," saad pa ni Wendell. — FRJ, GMA News