Masayang ibinahagi ng actor-turned-politician na si Alfred Vargas na halos 20 kilo na ang nabawas sa kaniyang timbang.

Sa kaniyang Instagram account,  ipinost ni Alfred ang kaniyang larawan na makikita ang mas magandang pangangatawan.

Saad niya, "I'm striving to become a better version of myself during this pandemic."
Ang sikreto raw sa pagbilis na pagbawas ng kaniyang timbang ay, "strict intermittent fasting and regular workouts."

"And I’m feeling good and energetic! Though I still need to lose more, knowing that I’m on my way to my goal motivates me even more," saad ni Alfred.

"Inspiration gets you started but discipline gets you going," patuloy niya.

 

 

Ilang celebrity rin ang ginamit na pagkakataon ang community quarantine para makapagbawas ng timbang o patuloy na pangalagaan ang kanilang katulad nina Alice Dixson, Martin del Rosario at Aiko Melendez. — FRJ, GMA News