Isa raw sa mga paboritong eksena ni Thea Tolentino ay nang magtitigan sila nang mata sa mata at sampalin siya ng primera kontrabidang si Gladys Reyes sa "Madrasta."

"Wala kami masyadong dialogue, as in mata lang sa mata tapos sinampal niya lang ako. As in puro galit lang," kuwento ni Thea kay Kuya Wil sa "Wowowin."

"Nakulong ako kasi nagnakaw ako ng P90 million tapos binisita niya ako sa kulungan tapos akala ko anak niya 'yung bumisita sa akin. Pagdating, nakita niya ako, sampal!"


Pero paliwanag ni Thea, close na sila noon ni Gladys kaya tinatanggap na niya kung magkakaroon man ng mga sampalang eksena.

"Mas maganda 'pag totoo," sabi ni Thea.

Nag-demo rin si Thea ng gusto niyang eksena na magpapanalo sa kaniya bilang best actress, na walang dialogue at titigan lamang pero mararamdaman sa kaniya ang emosyon. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News