Baby girl ang magiging panganay na anak ni Sheena Halili at ng asawa niyang si Jeron Manzareno.

Sa isang video, mapapanood ang masayang gender reveal party ng mga pamilya nina Sheena at Jeron kung saan nagpalaro pa muna sila ng games sa mga tsikiting.

Matapos nito, dahan-dahan nang pinutok nina Sheena at Jeron ang mga lobo para malaman kung "he" or "she" ang kanilang baby, at sa huli, winner nga ang "she."

Inanunsyo ni Sheena ang kaniyang pagbubuntis sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-2019) at ilang linggo matapos ang kasal niya kay Jeron.

Ikinasal sina Sheena at Jeron sa Blue Leaf Events Place in Quezon City nitong Pebrero 23.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

And now we’re three! #13weeks

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili) on

 

Sinabi ni Sheena na naging hamon sa kaniya ang paglilihi niya sa una niyang baby, lalo na nang hindi siya makakain nang maayos sa kaniyang mga unang linggo ng pagbubuntis. --FRJ, GMA News