Isiniwalat ng internet sensation at dating Hasht5 member na si Xander Ford na miyembro siya ng LGBTQIA community.

“I am part of LGBTQ. #BISEXUAL,” saad ni Xander sa kaniyang Instagram story nitong Biyernes.

READ: Xander Ford, may mensahe sa kaniyang mga basher: Hindi ako magpapatalo

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

????

A post shared by Xander Ford (@z4nder.official) on

 

Sa isa pang post, pinasalamatan ni  Xander ang mga taong tumanggap sa kaniyang pagkatao.

Unang nakilala si Xander bilang si Marlou Arizala.

Nang mabuwag ang Hasht5, sumailalim siya sa cosmetic surgery at nakilala bilang si Xander na may bagong hitsura.– FRJ, GMA News