Isinilang na ni Iya Villania ang ikatlong anak nila ni Drew Arellano na si Baby Alana Lauren. Birong hirit ni Iya, maging “last na sana” ang kanilang baby girl.

Sa kaniyang Instagram, pinasalamatan ni Iya ang mga doktor na tumulong sa kaniya sa panganganak, na inilarawan niyang “most vulnerable part of my life!”

Pero biro rin ni Iya, “last na sana ’yan!”

ADVERTISEMENT

Ipinakita rin ni Drew si Baby Alana Lauren na kanilang “Lil dumpling.”

 

 

 

Inanunsyo nina Iya at Drew noong Enero na magkakaroon na sila ng baby number three.

Meron na silang dalawang anak na mga lalaki na sina Primo at Leon. – Jamil Santos/RC, GMA News