Nagbigay ng update si Michael V. sa kaniyang kalagayan habang nilalabanan ang COVID-19.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Bitoy na nagpa-X-ray siya nitong Huwebes para masiguro kung mayroon siyang pneumonia dahil mabilis umano siyang mapagod.

"May nakita silang pwedeng “pagmulan” ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital," ayon sa Kapuso star.

"Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling," patuloy niya.

Naka-self quarantine pa rin sa kanilang bahay ang komedyante.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

UPDATE Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod. May nakita silang pwedeng “pagmulan” ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital. Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe. ????????

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Muli siyang nagpasalamat sa mga nagdarasal para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Kasabay nito, muli rin siyang nagpaalala sa mga tao na mag-ingat sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa."

"Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe," dagdag ni Michael.--FRJ, GMA News