Sumabak si Kim Domingo sa "Jojowain o Totropahin" Challenge kung saan inilahad niya ang mga male celebrities at personalities na gusto niyang maging nobyo o kaibigan lang.

Kabilang sa mga nakalistang pangalan ay ang mga ka-"Bubble Gang" niya na sina Paolo Contis, Archie Alemania, Mikoy Morales at Boy 2 Quizon.

Alamin din kung ano ang naging sagot ni Kim para kina Alden Richards, Rayver Cruz, Derek Ramsay, Dennis Trillo, Cong TV, DJ Loonyo at Xander Ford. Panoorin ang video.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News