Kumasa si “Hipon Girl” Herlene sa 24 Bars beat challenge at ipinakita na kaya niya ring makipagsabayan sa rap.

Sa programang “Tutok To Win,” ipinarinig ni Herlene ang kaniyang lyrics na siya mismo ang nag-compose para masabayan ang tugtog ng musical artist na si Mark Beats.

Nalimutan pa ni Herlene ang lyrics sa unang bagsak, pero nang tumugtog na ang beat ng musical artist na si Mark Beats, ipinakita na niya ang kaniyang hidden talent.

Hindi naman nagpahuli si Kuya Wil at ipinakita rin ang kaniyang rap skills. Makipagsabayan din kaya si Kuya Wil? Alamin. – Jamil Santos/RC, GMA News