Napatawa na lang si Kuya Wil sa kakaibang tugon ng isang caller nang batiin niya ito ng "magandang hapon" sa "Tutok To Win."

Pero nang malaman ng caller na ang Wowowin host ang tumatawag sa kaniya, labis naman ang naging saya ng ginang.

Ayon pa sa ginang, pinapadede niya ang isang taong gulang niyang anak, kaya hindi niya nasagot agad si Kuya Wil.

Panoorin ang kanilang nakakatuwang eksena. —Jamil Santos/LDF, GMA News