Maghahanap ng makaka-date ang "Bubble Gang" babe na si Liezel Lopez sa "E-Date Mo Si Idol" sa darating na July 30.

Sa episode ng naturang online dating show, si Liezel mismo ang pipili ng kaniyang magiging virtual date.

Tiyak na mas magiging masaya pa ang "E-Date Mo Si Idol" dahil ang comedian na si Tetay ang magiging host nito.

"Baka naman sakaling matulungan mo kong makahanap ng magpapakilig sa akin sa gabing 'yon," sabi ni Liezel kay Tetay sa kanilang teaser video.

ADVERTISEMENT

 

 

Alamin sa GMA Artist Center Instagram page kung papaano makakasali sa "E-Date Mo Si Idol" para magkaroon ng pagkakataong maka-date si Liezel.

 

 

Mapapanood ang naturang episode sa July 30, sa ganap na 8:00 p.m. sa GMA Network Facebook page at sa GMA Artist Center YouTube channel.

Matatandaan na naging viral ang comedy sketch sa "Bubble Gang" na "Invisible Baby" nina Liezel at Archie Alemania, na umabot na sa 27 milyon ang views sa Youtube.

--FRJ, GMA News