Pinag-isipan ni Mikael Daez ang tungkol sa pagiging isang ama matapos nilang i-babysit ng asawa niyang si Megan Young ang batang kapatid ng aktor na si Alvaro.

Sa kaniyang vlog, ipinakita ni Mikael ang kadalasang pag-aalaga nila ni Megan sa kapatid niyang tinawag si "Mr. Alburrito" sa tuwing iiwan ito ng kaniyang ina sa kanilang condo.

Nag-bonding naman ang magkapatid mula sa pagkain ng pancakes at waffles, pagsasalita ng Tagalog, hanggang sa paghuhugas ng pinggan.

Tila challenge naman para kay Mikael na turuan si Alvaro ng mga gawaing bahay, nang ma-distract din ito ng kanilang fur baby na si Soba.

"From time to time, my mom has to drop off Alvaro in our condo for a whole afternoon. We happily oblige but it does come with its own challenges," saad ni Mikael sa description ng video.

"I also realized, I'm not sure if I'm ready to be a parent yet LOL :P" sabi pa ng aktor.

Sinabi naman ni Mikael noon na hindi sila nagmamadaling magkaanak ni Megan.

"On a more serious note, we are in no rush. Whatever happens will happen," saad ni Mikael sa Instagram.

 

 


--FRJ, GMA News