Tinulungan ni Kuya Willie Revillame ang isang 68-anyos na nanay na sumasailalim sa dialysis dahil sa stage 5 chronic kidney disease.

Sa programang "Tutok To Win," ikinuwento ni Mary Rose Laxamana ng Los BaƱos, Laguna, na halos dalawang taon nang nagda-dialysis ang kaniyang nanay at nawalan pa siya ng trabaho.

"Araw araw ko pong dinadasal kasi po wala pong ibang tumutulong sa amin. Tapos ang ginagawa ko po para makatulong dito sa mama ko sa mga gastusin namin, nagpe-painting po ako tapos nananawagan po ako sa Facebook, nanghihingi ng donasyon kung saan-saan po," ayon kay Mary Rose.

"Stage 5 na po ako. Kailangang kailangan ko po ang gamot, ng maintainance ko, 'yung pang-session ko po, namomroblema po kami lagi at 'yung anak ko po walang trabaho simula noong lockdown," sabi naman ni Lola Virginia.

Ipinaabot naman ni Kuya Wil ang P40,000 na tulong para kay Nanay Virginia. - Jamil Santos/RC, GMA News