Sa "Wowowin-Tutok To Win," naging panauhin ni Kuya Wil sina Juan Caoile at Kyle Capiles ng "Juan X Kyle," na nasa likod ng hit song na "Marikit." Alamin ang kanilang pangarap at bagong awitin.

Ikinuwento nina Juan at Kyle kay Kuya WIl kung gaano na katagal ang kanilang pagiging magkaibigan na mula pa noong high school hanggang sa pinagtrabahuhan nilang fastfood resto.

Dahil kapwa nanggaling sa simpleng pamilya sa Tondo, bukod sa maging matagumpay sa pinasok nilang larangan sa musika, pangarap din ng dalawa na magkaroon ng sariling bahay.

Bumilib naman si Kuya Wil sa kuwento ng buhay ng dalawa kaya ipinaalam ng TV host ang iminungkahi niyang programa na magtatanghal nang "live" ang kaniyang mga magiging bisitang performer at aalamin niya ang kuwento ng kanilang mga buhay.

Panoorin ang panayam kina Juan at Kyle, at alamin ang bago nilang kanta na "Morena." --Jamil Santos/FRJ, GMA News