Wala man sa kanilang plano, itinuturing na blessing nina Jimmy Alapag at LJ Moreno ang pagkakaroon nila ng ika-apat na anak.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing ibinalita nina Jimmy at LJ ang pagbubuntis ni LJ sa kanilang vlog.

Napatalon naman sa tuwa ang kanilang mga anak na sina Ian at Keona, at masaya rin ang kanilang mga kasambahay sa anunsyo.

"I think 'shocked' is the best word but at the end of the day it's an absolute blessing," sabi ni Jimmy.

"Soooo THIS is why my number on Gilas was #4..." caption ni Jimmy sa Instagram.

 

Bukod kina Ian at Keona, anak din nila si Calen.  —LBG, GMA News