Nagpaalam na sa “Eat Bulaga” si Anjo Yllana matapos ang 21 taon niya bilang isa sa mga Dabarkads ng longest-running noontime show.

Sa kaniyang post sa Facebook, inilahad ni Anjo na Agosto 11, 2020, Martes, nang isumite niya ang kaniyang resignation.

“With a heavy heart ... today Aug. 11. 2020 ... I submit my resignation ... thank you Dabarkads ... thank you Eat Bulaga ... 21 years and it was a blast ... Good Bye and all roads to your 50th”

Kasabay nito, nagbigay naman ng well-wishes ang Dabarkads na si Paolo Ballesteros.

“Awww. Goodluck labyu,” saad ni Paolo sa comments section. – Jamil Santos/RC, GMA News