Aminado si Arci Muñoz na ilang beses na siyang talunan pagdating sa pag-ibig dahil nauuwi sa hiwalayan ang mga pinasok niyang relasyon kahit ginagawa naman niya ang lahat.

"Hindi ako magaling diyan, e. Ginagawa ko na lahat, iniiwan pa rin ako," pahayag ni Arci sa artikulo ni Rachelle Siazon sa PEP.ph.

Sa huling boyfriend ni Arci, tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong early 2019. Bago nito, tatlong taon naman ang itinagal ng karelasyon nila ng isang rock band singer.

Napagtanto raw ng aktres na nakakalimutan niya ang sarili sa tuwing pumapasok siya sa relasyon noon.

Paliwanag niya, "Whenever I'm in a relationship, I give it my all. Sometimes I forget about leaving a little bit of self-love.

"E, ayun po, sa aking mga experience before sa previous relationships ko, as in buhos talaga, e. Parang ako yung lalaki."

Kung noon ay buwan lang ang pagitan ay muli siyang umiibig, ngayon ay pinili raw ni Arci na manatili munang single.

"So ngayon na may time ako alone, by myself, single... Eto ata pinakamatagal kong single ako. Magdadalawang taon. Parang freedom na, 'Wow, sarili ko muna,'" pahayag niya.

Mas naalagaan daw ni Arci ngayon ang sarili.

"Ang na-unlock ko during this quarantine, I was able to spend time alone.

"I learned na kailangan for you to be able to love someone else, kailangan mahal mo sarili mo," ayon pa kay Arci at hindi raw siya nagmamadaling pumasok sa panibagong relasyon.-- For the full story, visit PEP.ph