Marami ang humanga sa 70-anyos na lolong magsasaka sa Oriental Mindoro dahil sa naisip niyang gawing face mask at face shield ang bao ng niyog. Pero ayon sa mga eksperto, hindi ito ligtas na panlaban sa COVID-19.

Bagaman wala pa namang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar, sa halip na bao ay binigyan si lolo Bapa Lido ng mga surgical face mask at maging ng face shield para magamit niya tuwing lumalabas siya ng bahay.

Pero tanggapin kaya ni Lolo Bapa ang naturang mga gamit at isuot kaya niya kahit hindi naman niya gamay ang naturang mga bagay? Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News