Inilahad ng cast ng "Bubble Gang" na all-new at fresh episodes ang mapapanood ng viewers sa darating na Biyernes. Kasabay nito, nagkuwento si Paolo Contis sa mga hamon sa kanilang taping sa ilalim ng new normal.

"I think people na manonood, alam din na work from home ang nangyayari dahil sinusunod namin 'yung mga safety protocol noong July. Lahat ng puwede naming gawin na based sa bahay, lahat 'yun nagawa, na-cover namin 'yon," sabi ni Paolo sa Kapuso Showbiz News.

ADVERTISEMENT

"Siyempre, iba pa rin talaga 'yung quality ng nasa studio ka, iba  'yung magkakasama. Pero naniniwala ako na 'yung mga tao will appreciate the effort," paglalahad pa ni Paolo.

Dahil sa mga limitasyon dulot ng community quarantine, hindi raw muna nakapag-shoot ng mga dati nang segment na tatak-Bubble Gang tulad ng "Balitang Ina."

"For now wala po sa mga first few episodes pero I'm sure once we get the hang of it and magkaroon pa kami ng more practice to do it on our own, kaya," sabi naman ni Valeen Montenegro.

Ayon pa kay Paolo, wala rin munang mga guest celebrity sa ngayon ang episode ng "Bubble Gang," maliban sa kaniyang asawang si LJ Reyes na kasama niya sa bahay.

"Siyempre hindi namin magagawa 'yung mga lumang segments kasi 'yung ibang segments, based talaga siya na magkakasama. Nag-adjust 'yung writers, 'yung creative ng Bubble to cater doon sa kakayahan ng work from home," sabi ni Paolo.--Jamil Santos/FRJ, GMA News