Ngayong panahon ng community quarantine, mas dumedepende ang mga tao sa online para sa kanilang mga transaksyon at libangan. Panoorin ang mga inihandang online tutorials ng Kapuso stars na maaaring pagkaabalahan.

Sa ulat ng "Unang Hirit," sinabing ibinabahagi ni Gladys Reyes ang kaniyang mga natutunan sa 36 taon sa showbiz sa kaniyang online acting workshop para sa mga aspiring na artista.

Maliban sa mga Pinoy, may mga estudyante rin si Gladys sa iba't ibang bansa.

Si Rocco Nacino naman na certified nang "Plantito," nagbibigay ng kaniyang tips sa urban gardening. Para sa newbies, ibinabahagi ni Rocco ang kaniyang mga natutunan sa plant repotting.

Make-up tutorial naman ang ibinabahagi ni Barbie Forteza sa kaniyang YouTube channel.

Nagbibigay naman si Rhian Ramos ng tips para sa DIY fashion sa kaniyang bleach dye shirt tutorial.

Ipinakita niya na ang lumang damit, puwede pa ring magmukhang fashionable.

Para makasabay sa dance challenges sa Tiktok, nariyan ang Tiktok dance tutorial ni John Lucas. —LBG, GMA News