Sa pagsasara ng mga comedy bar tulad ng Klownz at Zirkoh sa gitna ng COVID-19 pandemic, maraming stand-up comedian ang nawalan ng trabaho. Anong mga paraan kaya ang ginawa nila para magkaroon ng ibang pagkakakitaan?

Tunghayan sa video na ito ng "Pera Paraan" ng GMA News and Public Affairs, ang mga "raket" na pinasok nina Boobay, Joel Olivera at Gene Berbenzana upang kahit papaano ay matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Alamin din kung sino sa kanila ang nagli-live perform sa KUMU at kumikita rin sa pamamagitan ng "points" na ipinapadala ng mga manonood na may katumbas na halaga ng pera. Panoorin.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News