Sa pagdiriwang ngayong Agosto ng Buwan ng Wika, sinubukan ni Glaiza de Castro ang kaalaman ng kaniyang Irish boyfriend na si David Rainey sa wikang Filipino.

Sa Pilipinas inabutan ng lockdown si David kaya matagal-tagal din niyang nakasama sa Baler, Aurora ang pamilya ni Glaiza. Ayon sa aktres, nagustuhan ni David ang kultura ng Pilipinas at nag-aaral na ngayon ito ng wikang Filipino.

ADVERTISEMENT

Gaano na nga ba ang kaalaman ni David sa wikang Filipino at kayanin kaya niya ang mga sikat na Pinoy tongue-twister na "Pitumpu't pitong puting tupa" at "Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika"? Panoorin.


Jamil Santos/FRJ, GMA News