Sa kabila ng magandang mukha at hubog ng pangangatawan, inihayag ni Bianca Umali na nahirapan pa rin siyang magkaroon ng tiwala sa sarili sa transition ng kaniyang image mula sa pa-tweetums tungo sa mature and sexy.

"Transitioning is never easy. Kumbaga para siyang puberty din, you go through that awkward stage before you actually become 'yung kung ano talaga 'yung itsura mo hanggang sa tumanda ka," saad ni Bianca sa Kapuso Showbiz News.

"'Yung transition ko sa career ko hindi madali 'yon, from the sweet and fresh stage hanggang sa kung nasaan ako ngayon, kung ano ang itsura ko ngayon, it wasn't easy," pagpapatuloy niya.

Paliwanag ni Bianca, natural na lumabas sa kaniya ang kaniyang mas mature na look, at hindi niya  ito plinano.

ADVERTISEMENT

"'Yung pag-transition ko naman sa kung nasaan ako ngayon it wasn't something directly na sinabi ko, 'Ay gusto ko na po maging mature.' Actually walang gano'n. It just happened. Siguro dahil din sa pag-iiba ng itsura ko and sa growth ko rin bilang tao," saad niya.

"Hindi talaga siya decision. Nangyari lang siya and luckily for me, everything was nagpo-flow lang," dagdag pa ni Bianca.

Gayunman, nahirapan pa rin daw si Bianca noong una na magkaroon ng kompiyansa sa sarili.

 

 

"'Yun ang pinakamahirap for me, 'yung confidence. Kasi ako alam ko sa sarili ko before, especially when I was starting pa lang na 'yun 'yung wala ako. Like I really wasn't confident with myself. At saka mabilis akong i-criticize 'yung sarili ko," paliwanag niya.

Pero dahil sa mga dinaanan niyang pagsubok, sinabi ni Bianca na unti-unti rin siyang nagkaroon ng confidence.

"It was a struggle but I think eventually because of the things that I have been through, because of all the challenges and all the obstacles in life, I think ang laking tulong ng hard times sa akin. Doon ko nakuha 'yung confidence, du'n ko natutunan 'yung love ko para sa sarili ko, 'yung respeto ko para sa sarili ko and 'yung worth ko," saad niya. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News