Hindi naiwasan ng netizens na magkaroon ng K-drama feels nang itampok ni Heart Evangelista ang bagong gawang library ng Sorsogon State College.

Sa kaniyang Twitter at Instagram, makikita ang panibagong disenyo ng library tampok ang isang atrium na siyang magbibigay-liwanag sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Multi-level at malawak din ang pasilidad para sa mga estudyante na mahilig magbasa ng mga libro.

 

 

Naka-tag din sa mga posts ni Heart ang kaniyang asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

 

 

Naalala naman ng netizens ang ilang mga eksena sa mga Korean drama series na tampok ang mga naggagandahang library.

 

 

 

 

 

 

Nagkomento rin ang ilang netizen na mala-Korean drama rin ang outfit ni Heart, kung saan naalala nila si Ko Mun-Yeong sa “It’s Okay To Not Be Okay.”

 

 

 

 

Kasabay nito, inanunsyo rin ng First Lady ng Sorsogon na nasa proseso na ng pagiging university ang Sorsogon State College matapos maghain si Governor Chiz ng panukala rito.

“Actually... it will be soon. My husband authored the law so converting it. Just complying with some CHED requirements,” saad ng “Queen of Creative Collaborations.”

 

 

– Jamil Santos/RC, GMA News