Ipinasilip ng Kapuso actor na si John Estrada sa programang "Tunay Na Buhay" ang kaniyang maaliwas at maluwag na bahay sa Cavite na itinuturing niyang dream house. Mayroong itong swimming pool at may katabing golf course.

Sa panayam ng host ng programa na si Pia Arcangel, ibinahagi ni John at kaniyang maybahay na si Pricilla kung ano ang mga pinagkakaabalahan habang nasa bahay lang dahil sa pandemic.

Kasabay nito, ikinuwento rin ni John kung papaano siya nagsimula sa showbiz at inilahad niya ang isang pinapangarap niyang gawin na nais niyang matupad sa darating na panahon.

Panoorin ang buong kuwento sa video na ito ng "Tunay Na Buhay."

--FRJ, GMA News