Umalis na ng Pilipinas ang mag-asawang Jimmy Alapag at LJ Moreno, kasama ang kanilang mga anak para sa Los Angeles, California na manirahan.

Sa ulat ng sports website na Spin.ph, kinumpirma umano ng kinatawan ni Jimmy ang pag-alis nito kasama ang kaniyang asawa't mga anak.

Bagaman hindi nabanggit ng mag-asawa sa kanilang social media pages at YouTube channel ang kanilang planong paglipat sa US, nakikita naman sa kanilang latest vlogs ang house tour kaugnay sa paghahanda nila sa pag-alis sa bahay.

ADVERTISEMENT

Ayon kay LJ, ibabahagi nila ang mga detalye ng pag-alis sa mga susunod na araw.

Kamakailan lang, inihayag ni LJ ang "pagkakalaglag" o hindi natuloy na pagbubuntis niya sa ika-apat na anak sana nila ni Jimmy.

Ipinadaan naman sa social media ng mga kaibigan nila ang mensahe para sa pamilya nina LJ at Jimmy kaugnay sa bago nilang buhay sa Amerika.

Sa Instagram, ipinost ni Rob Ricafort, kapatid ni LJ, ang larawan ng mag-anak habang pasakay ng eroplano.

“Man.. I love you guys. It’s making me sad just thinking about this. I have no place to go to just to raid the fridge for food. No but for real with every single thing that has happened in my life you guys have always been there to guide me back,” saad ni Rob.

“You guys have been 2nd parents to me growing up. There’s so much to say but it’s not a goodbye. I’m excited for what’s in store for your family in Cali!” dagdag niya.--FRJ, GMA News