Isang Pinay OFW na nagtatrabaho bilang nannie o babysitter sa Germany ang masuwerteng tinawagan ni Kuya Wil sa "Tutok To Wil." Pero nang tanungin kung ano ang kailangan niya, wala siyang hiningi para sa sarili.

Ang tanging hiling ng OFW na si Iza na lagi raw nanonood "Tutok To Win" sa pamamagitan ng internet ay ibigay sa kaniyang mga magulang na nasa Davao ang anumang premyo na ipagkakaloob sa kaniya ng programa.

Dahil daw kasi sa COVID-19, hindi pa rin sila regular na nakapagtatrabaho, at walang kabuhayan ang kaniyang mga magulang na nasa Davao.

May espesyal din na hiling si Iza kay Kuya Wil na sana mapadalhan din sana ng jacket ang kaniyang mga magulang. Panoorin.

--FRJ, GMA News