Excited na si Rayver Cruz na tumayo bilang isang "super cool" na tito para kay Baby Joaquin, na anak ng kaniyang kuyang si Rodjun at asawa nitong si Dianne Medina.

Sa panayam sa kaniya ng GMA Regional TV, sinabi ni Rayver na excited na siyang turuan ng maraming bagay ang kaniyang pamangkin.

"Excited akong maging super cool tito. Tuturuan ko sila ng maraming bagay, tuturuan ko silang mag-basketball, tsaka i-spoil ko nang kaunti sa mga toys siguro tsaka 'pag growing up turuan kong mag-video games kasi sobrang gamer ako eh," sabi ni Rayver.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Rayver na nakita niya na rin at kalong-kalong si Baby Joaquin.

"Hi baby @babyjoaquinilustre!" caption niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hi baby @babyjoaquinilustre ?????????? @rodjuncruz @dianne_medina

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

 

Magmula pa man noon, close na raw talaga si Rayver sa kaniyang mga kuya na sina Omar at Rodjun at palagi silang nagkaka-bonding.

"Sobrang close namin, nanonood kami ng movies sa bahay, nagba-basketball kami sa bahay, naggi-gym kami sa bahay. Nakakatuwa lang kasi 'yung mga kuya ko laging andiyan para sa akin and ganu'n din naman ako for them. Iba-iba 'yung closeness namin, sobrang nagpapasalamat ako sa kanila," kuwento ng Kapuso actor.

Ipinanganak ni Dianne si Baby Joaquin nitong Setyembre. —LBG, GMA News