Sinang-ayunan ni AiAi delas Alas ang sinabi ni Christian Bautista na hindi ngayon ang tamang panahon para mag-away-away—mapa-asawa man o kaibigan.

Sa ulat ni Bernie V. Franco sa PEP.ph, sinabi ni Christian, “Now is not really the time to clash in a marriage, in a friendship, kasi ang hirap na ng buhay, mag-aaway pa ba kayo? It’s not the time.”

Habang nagsasalita si Christian ay makikita ang pagtango ni AiAi.

“Tama," sambit ng Comedy Queen, indikasyong sinasang-ayunan niya ang pahayag ni Christian.

Hiningi ng PEP.ph ang reaksiyon ni AiAi dahil sa ginawa niyang pagsang-ayon sa pahayag ni Christian.

“Dapat!” ani Ai-Ai. “Kasi totoo iyon na napakahirap na kasi ng buhay ngayon.

"So, yung mga pwedeng lahat maging positive, gawin na lang nating positive. Huwag lang COVID.

“Kumbaga sa buhay, [dapat] positive tayo.

“Kasi mahirap talaga buhay ngayon, e. So, kaya dapat puro positivity na lang.

"Kasi nakaka-anxiety attack pag may maraming nega.”

Sina AiAi at Christian, gayundin si Lani Misalucha, ay na-interview ng piling entertainment press via Zoom nitong Miyerkules, September 30, para sa pagsisimula ng "The Clash Season 3."

Natanong din si AiAi kung ano ang ginagawa niya kapag may kanegahang kinakaharap.

Sagot niya, “Nire-rebuke ko siya, parang si Satanas, e, no. Nire-rebuke agad, agad-agad, e, rebuke.

“’Tsaka erase, erase, erase. Dapat positive lang.”

Hirit pa ni AiAi, “’Tsaka hindi ako nagkakausap ng mga nega. Lahat ng kinakausap ko, mga positive.”

Nasanay na raw siyang maraming batikos na natatanggap niya, kagaya ng bashing sa social media.

Kahit naman daw ang pagiging judge niya sa The Clash, meron at merong masasabing masama sa kanya.

Ngayong Sabado, October 3, ay magsisimula na ang bakbakan sa pagalingan ng pagkanta sa "The Clash Season 3" sa GMA Network.--For the full story, visit PEP.ph