Fit at healthy ngayon si Paolo Contis matapos siyang makapagbawas ng 30 pounds dahil sa ehersisyo at detox. Ang kaniyang motibasyon, ang anak nila ni LJ Reyes na si Baby Summer.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nagawa ni Paolo na alisin ang 30 pounds sa kaniyang timbang sa loob lang ng anim na buwan.

"It's not really the weight I lose, but the life I gain," sabi ni Paolo.

"Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer ng ikatlong hakbang ayoko nang sumama eh. Hindi puwedeng gano'n. Kailangan nakakahabol na ako uli 'di ba? So ngayon, better. I sleep better, I stopped drinking," sabi pa ng Kapuso actor.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Paolo ng isang nakakatuwang eksena sa kanilang bahay, kung saan hindi siya nakanood ng Game 1 ng NBA finals dahil pelikulang Frozen ang pinanonood ng kaniyang anak.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Game 1 ng NBA Finals..!! ???????? pero FROZEN ang pinapanood koooo!!! ????????????

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

 

Natutuwa rin si Paolo sa acting moves ng anak nila ni LJ, kaya hindi niya maiwasang maging acting coach kay Summer.

"Para kang may matandang kausap, grabe, nakakatuwa. 'Gusto kong maligo,' 'Kumain,' 'Anong gusto mong kainin?' 'Pakwan.' Alam mo 'yun, diretso na 'yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos meron siyang mga acting na 'Ouch!'"

Dahil dito, natanong si Paolo kung nakikita niya na papasukin din ni Summer ang showbiz balang araw.

"Cliché man, pero kung saan siya masaya, du'n. 'Yun naman 'yun eh. Pero habang bata ang ituturo mo lang naman sa kaniya the values para kapag isabak mo siya sa giyera, alam na niya lahat," sabi ni Paolo.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News