Engaged na ang Kapuso actor at "Descendants of the Sun" star na si Lucho Ayala sa kaniyang nobya na si Emma Rueda.

Ito ang inanunsyo ni Lucho sa kaniyang Instagram nitong Biyernes kung saan makikita na isinabay niya ang kaniyang pag-propose sa kaarawan ng kaniyang girlfriend.

ADVERTISEMENT

"Happy birthday, my fiancée. ???????? I hope I made you happy on your special day. ?? And thank you for saying YES! ????????" caption ni Lucho.

 

Memorable para kay Emma ang kaniyang naging kaarawan sa surpresa ng kaniya na ngayong fiancé.

 

Si Lucho ang gumaganap bilang si Staff Sergeant Alen Eugenio o "Snoopy" ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun ng Kapuso Network. —LBG, GMA News