Muling naging usap-usapan ng netizens ang love story nina Michelle Madrigal at ng kaniyang asawang si Troy Woolfolk, na nagsimula sa dating app na Tinder.

 

 

 

 

 

Sa video na ipinost noon pang Agosto 2019, inilahad nina Michelle at Troy ang istorya ng kanilang relasyon.

Ayon kay Michelle, hindi totoo ang istorya na tumatakbo noon si Troy kasama ang aso nito, at kinausap na ng aktres si Troy tungkol sa fur baby nito.

Ang tunay na istorya raw ay nang magkakilala sila sa naturang dating app.

"Tinder! Swipe, swipe, she gave me the star. I was the star of the day," kuwento ni Troy.

"So yeah we met through Tinder, a dating app," sabi ni Michelle. "We did start talking. It was like a weekend, Sunday when we swiped, and we met up on a Wednesday then we met up Saturday with his friends and the rest was history."

Ikinasal sina Michelle at Troy noong Abril 2019, at nakabase na ngayon sa Texas. Mayroon silang anak na si Anika.--Jamil Santos/FRJ, GMA News